Guys, have you heard about the story of the mag-ina here in the U.S.?
Anyway let me tell you the story of their life here in
Los Angeles.
Dalawa lang silang mag-ina dito sa Amerika at hinihintay nila ang pag dating ng pamilya nila. Pero unfortunately while they were waiting, the mother died.
The family in the Philippines wants their mom to be buried back home pero it was so expensive.
Pero dahil majority of the family wants it that way,
walang choice ang anak dito sa States kung hindi sundin ang mga nakakatanda sa kanya. Dahil nga very expensive, she decided to just remain in the
States and ship the coffin unaccompanied.
Ng dumating na sa Pilipinas ang kanilang ina, may
napansin ang pamilya na hindi maganda.
Ang mukha ng mother nila ay dikit na sa salamin ng coffin.
Sabi tuloy ng isa, "ay tignan mo yan, hindi sila
marunong mag asikaso ng patay sa Amerika".
To cut the story short, they prepared the coffin for
viewing. Pag bukas ng ibabaw ng coffin, may napansin
silang sulat sa baba ng dibdib ng kanilang mother.
Nangi-nginig na binukasan ng kanilang ama ang sulat at
binasa sa lahat ng taong naka-paligid. Ang nilalaman ng sulat ay ito:
Mahal Kong Itay At Mga Kapatid,
Pasyencia na kayo at hindi ko nasamahan ang ina sa
pag-uwi diyan sa Pilipinas sa dahilan na napaka-mahal ng pamasahe.
Ang gastos ko nga lang sa kanya ay mahigit sa libo. Ayoko ng isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, Sa likod ni nanay ay mayroon dalawangput apat na karnenorte, ang bag ay para kay Ate, at ang sapatos
ay para kay Kuya, ang mga choklate naman ay para sa mga bata. Bahala na kayo sa distribution.
Nagmamahal na anak,
Cynthia
back to jokes archives
|