Tatlong madre ang naglalakad papuntang simbahan. nang mapadaan sila sa isang bahay na may parrot.
PARROT: puti! puti! puti!
nagtaka ang tatlong madre. sabi ng isa, puti ang panty ko. sabi ng pangalawa, puti rin ang panty ko. sabi ng pangatlo, ako rin, puti ang panty ko. naisip ng tatlo na baka nahulaan ng parrot ang kulay ng panty nila.
kinabukasan, napagkasunduan ng tatlong madre na pare-pareho silang magsuot ng dilaw na panty para malaman kung totoo ang kanilang hinala. pagdaan nila sa bahay na may parrot, sabi nito:
PARROT: dilaw! dilaw! dilaw!
napatunayan ng tatlong madre na totoo ang hinala nila na nahuhulaan ng parrot ang kulay ng suot nilang panty.
napagkasunduan ng tatlong madre na lituhin ang parrot. napagkasunduan nilang wag magsuot ng panty kinabukasan.
kinabukasan, pagdaan ng tatlong madre sa bahay na may parrot, napatingin lang sa kanila ang parrot at walang sinabi. lihim na nagtinginan ang tatlong madre sa tuwa. paglampas nila sa bahay, biglang sumigaw ang parrot:
PARROT: kulot! kulot! kulot!